Ang hirap palang maging OFW...

“Hon, padalhan mo naman ako, kasi may gusto akong bilhing shoes dito.”
“Sa uwi mo, ‘wag mong kalimutan yung pasalubong nina nanay at tatay ha?”
“Akala ko ba, may padala kang package? Ang tagal naman!”
“Punta tayo sa Cebu sa next vacation mo…”

Ilan lang ito sa mga walang katapusang requests ko sa asawa ko nung nasa abroad
siya. At kapag walang favorable response, nagtatampo ako. Nasasabi ko pa na
tinitipid o pinagdadamutan niya ako. Dun na pumapasok ang pag-aaway namin, dahil
hindi ko daw siya maintindihan. 

Nabubuwisit ako, kasi alam ko na malaki ang sahod niya, pero bakit ang higpit niya
pagdating sa pera? Di ko man masunod luho ko gaya ng sapatos, mga bags, damit
at iba pang gadgets? Hayyy nakuuu…

Until dumating yung time na nagdecide kami na sumunod ako sa kanya sa
banyagang bansa. At last, makakasama ko na rin siya at maipabibili ko na rin mga
gusto ko, bwahahaha!

Sa eroplano pa lang, naiisip ko na ang mga bagay na gagawin ko –shopping, bakasyon,
dine-out, gala to the max! Paglapag ng eroplano sa Kuwait International Airport,
wow! Ang INIT! Humid pa! Sumasakit na ang ulo ko sa biyahe pauwi sa tutuluyan
naming flat (kung tawagin ang apartment).

Latang-lata ang pakiramdam ko sa init ng klima, summer daw pala kasi! Naisip ko,
huwag na muna ang shopping at gala, pahinga muna…

Dumating yung time na lalabas na kami at mamamasyal, excited pa mandin ako.
Pagdating namin sa Mall at nakita ko ang mga bagay na gusto kong bilhin…bigla
akong nakaramdam ng panghihinayang…

Makita ko pa lang ang tag price, gumagana na kaagad utak ko sa Riyal to Philippine
Peso conversion! Napansin ako ng asawa ko at tinanong nya kung alin daw ba gusto
ko, sabi ko na lang, huwag na, next time na lang…

Dumaan ang mga araw at nagiging malinaw na sa akin ang araw-araw na pamumuhay
ng mga OFW. Kay lungkot pala maging malayo sa pamilya, ang hirap mahomesick!
Nakakaiyak makita ang mga pictures ng family sa FB tuwing me okasyon. Yung
malungkot ka at gusto mo silang makasama kaya lang hindi naman puwede magbus
pauwi ng Pinas.

Mas naiiyak ako pag naiisip ko na, kawawa naman pala ang kabiyak ko noong wala pa
ako sa piling niya. Sa init at pagod maghapon sa trabaho, wala siyang choice
kundi magluto pa rin pagkauwi para me makain, at gawin ang mga bagay mag-isa
tulad ng paglalaba.

Bigla akong nahiya sa sarili ko…naalala ko bigla yung mga araw na nagtatampo ako sa
kanya kasi hindi niya ako mapadalhan ng pera para mabili yung gusto ko. Yung mga
araw na natitiis ko siya dahil sa aking walang kabuluhang pagtatampo, natitiis ko
na hindi tumawag o magtext man lang…

Yung mga araw na wala akong ginawa kundi planuhin kung ano ang mga bagay na
ipabibili ko sa kanya pagdating ko dito.

Dahil pala bawat text na mabasa niya, ay laksang tuwa na ang dulot sa kanya. Bawat
tawag at dinig pa lang sa boses ay ibayong lakas ang bigay sa kanya…dahil sa bawat
baryang kinikita niya, wala siyang naiisip kundi ikaw na pamilya niya…

Ang hirap palang maging OFW…pag nakikita ko sa mga pictures yung ngiti nila,
mga magagandang lugar na pinapasyalan nila, mga pagkaing nakahain sa harapan
nila, sa likod ng mga ito, nakakubli ang ‘di masukat na lungkot at pangungulila.

Marahil ayaw nila na tayong mga kaanak nila ay mag-alala kaya tunay na sitwasyon
at nararamdam ay itinatago nila. Nakakaya nilang malayo at magtiis, mabigyan lang ng
magandang bukas ang kanilang pamilya.

Saludo ako sa lahat ng OFW na nagtitiis para sa mga pamilya nila.
***

Have fun investing (while you can)!

PS: I just found the above piece circulating in facebook. Share this post and and help our OFW and their families.
 

PS2: Ang hirap sa mga Pinoy, ang akala e parang dumadampot lang ng pera ang mga OFW sa ibang bansa.
Last Holy Week, may (malayong) kamag-anak kami na dumating from US.
Dumaan ng Maynila para mamanata na rin sa isang simbahan. Syempre, nagsipuntahan naman sa kanya ang ilan kong kamaganak para salubungin at kamustahin sya..
Ayun, nabigyan sila ng 500. Pang pamasahe lang din. So tingin ko disappointed sila.


If you're in OFW, it's time to make your relatives realize the importance of  proper financial planning.
It's not everyday that you'll work overseas, right? So help them help you... and your family.


PS3: Better yet, invite them to our Personal Finance + How to Win in Stock Markt Seminar this coming January 25 2014 at Gateway, Cubao! This seminar will equip them with tools in investing your hard-earned money.

Get also an exclusive bonus access  to our Investing in Philippines Private Mastery Group to help you maximize your learning from the seminar.

 

Get more details here.
Super early bird rate of
2497 1997 1497 ends on January 9 2014 so reserve your slot now!

http://www.smartpinoyinvestor.com/2013/05/midyearstockmarketseminar2013.html

No comments:

Post a Comment

GRAB YOUR FREE LESSONS. JOIN 3919+ MILLIONAIRES

GRAB YOUR FREE LESSONS. JOIN 3859+ MILLIONAIRES

You might also like

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...